BACOLOD CITY – Patuloy pa ang paghahanap ng mga pulis sa limang inmates na tumakas sa detention facility ng Bureau of Jail Management and Penology sa Manjuyod, Negros Oriental.
Dakong alas-5:30 nitong madaling-araw ng Lunes ng madiskubre ni SJO1 Christopher Sarsuelo na sinira ang dingding ng cell no. 2 at nang isinagawa ang head count ay kulang na ang mga inmate.
Kinilala ang mga pugante na sina Janly Callao, 39-anyos ng Brgy. Matauta, Tayasan, na may kasong rape; Julan Paculanag, 30, ng Brgy. Apanangon, Jimalalud, na may kasong rape; at Ronnie Flores, 25, ng Sitio. Naguod, Brgy. Nagbalaye, Sta. Catalina, na may kasong lllegal Possession of Firearms.
Tumakas din sina Joseph Casido, 49-anyos ng So. Mansalaway, Brgy. Cabcaban, Manjuyod, na may kasong murder; at Lito Pedro, 49, ng Brgy. Apanangon, Jimalalud na may kasong rape.
Sa ngayon, nagtutulungan na ang Manjuyod Police Station at Manjuyod District Jail personnel sa paghahanap sa mga pugante.