-- Advertisements --
ILOILO CITY – Isasailalim sa libreng medical examination ang mga freelance sex worker sa Iloilo City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Nestor Canong, pinuno ng Task Force on Morals and Values Formation sa lungsod, sinabi nito na maaring pumunta sa Social Hygiene Clinic ang mga commercial sex workers.
Ayon kay Canong, pangunahing layunin nito ay matiyak na walang sakit ang mga sex workers lalo na sa nalalapit na Valentine’s Day.
Napag-alaman na 40 commercial sex worker sa Iloilo ang nahuli matapos lumabag sa health protocol.










