-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Sinailalim sa limang araw na pagsasanay sa Community First Responder ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at volunteers mula sa 11 barangay sa bayan ng Datu Montawal Maguindanao.

Nanguna sa 5 day training ang Bureau of Fire and Protection (BFP-Maguindanao Provincial Office) at BFP-Datu Montawal.

Tinuruan ang mga volunteers at mga BPATs sa mabilis na pagresponde tuwing may sunog at paano apulahin ang apoy.

Matatandaan na dalawang beses nagkaroon ng sunog ang bayan ng Datu Montawal noong buwan ng Enero.

Suportado naman ng LGU-Datu Montawal ang limang araw na pagsasanay ng mga volunteers at mga BPAT.

Sinabi ni Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal na malaking tulong ito tuwing may sunog sa mabilisang pagresponde ng mga pamatay sunog katuwang ang mga volunteers at BPATs.