-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kinasuhan ng walong kasong paglabag patungkol sa enviromental related laws ang limang Chinese nationals at 13 na Pinoy workers sa piskalya ng Cagayan de Oro City.

Patungkol ito sa ikinasa na composite team operation laban sa mga suspek na umano’y nasangkot sa malawakang illegal mining operations sa mabundok na bahagi ng Barangay Pigsag-an ng Cagayan de Oro maging sa mga Barangay ng Cauyonan at Nangcaon,Opol,Misamis Oriental.

Sinabi ni Mines and Gio-sciences Bureau 10 legal chief Atty. Ban Mikhael Pacuribot na pinigilan muna mailabas ang pangalan ng mga suspek habang isagawa pa ang karagdagang operasyon sa natitira na suspected illegal miners sa syudad at lalawigan.

Inihayag ng abogado na tila ilang taon na nag-ooperate ang nabanggit na suspected miners dahil malawak na ang lupain na nasasakupan ng ilegal na operasyon.

Magugunitang kabilang sa mga kasong isinampa na National Bureau of Investigation 10 bilang arresting agency sa mga suspek ang mga paglabag sa Philippine Mining Act; Small Scale Mining Act;Water Code of the Philippines; National Pollution Control Decree of the Philippines;Philippine Clean Water Act;Forest Code of the Philippines;Wildlife Resources Conversation and Protection Act at sa Revised Penal Code of the Philippines.

Nakompiska naman ng composite raiding team ang iba’t-ibang uri ng mining equipment na nagkahagala ng mahigit P30 million.

Magugunitang nagbigay seguridad din habang ginawa ng DENR-MGB 10 ang operations ang tropa ng 1st Special Forces Batallion ng 403rd Infantry Batallion ng 4ID,Philippine Army ng syudad.