-- Advertisements --

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang limang Bulgarian nationals sa United Kingdom dahil sa pang-iispiya.

Kinilala ang mg ito na sina Orlin Roussev, Bizer Dzhambazov, Katrin Ivanova, Ivan Stoyanov, at Vanya Gaberova na inaresto ng mga Metropolitan Police dahil sa pang-iispiya para sa Russia.

Ang mga inireklamo ay nagtulong-tulong para makakuha ng impormasyon sa maaaring magamit ng Russia mula Agosto 2020 hanggang Pebrero 2023.

Nakatakdang iharap mga ito sa Westminster Magistrate Court sa susunod linggo para sa pagdinig sa kaso.