-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Apektado sa ngayon ang 5 barangay sa bayan ng Sto.Niño, South Cotabato matapos na sinalanta ng ipo-ipo ang na nagresulta sa pagkasira ng ilang bahay at mga pananim sa nabanggit na bayan.

Ito ang kinumpirma ni Julius Ceasar Fale, MDRRMO-Sto.Niño sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Fale, ang mga barangay na apektado ay kinabibilangan ng mga barangay ng M.Roxas, San Vicente, Panay, Guinsang-an at Katipunan.

Pinadapa sa paglaslas ng malakas na hangin ang 3 mga kabahayan na totally damaged dahil sa mga nabuwal na malalaking puno at ilang ektarya rin nga mga pananim na palay na aanihin na sana ang itinumba ng malakas na hangin.

Nagpatayo naman ng temporary shelter ang Municipal LGU ng nasabing bayan para sa mga apektadong residente.

Sa ngayon nagpapatuloy naman ang clearing operation ng MDRRMO Sto-Niño sa mga sanga ng punong kahoy na nabuwal dahil sa malakas na hangin.

Nagpapatuloy din ang damage assessment sa mga kabahayan at agrikultura ng nasabing bayan.