CEBU – Nagulantang ang ilang residente ng Brgy. Canlumampao, lungsod ng Toledo matapos madiskubre ng isang pamilya na namatay ang kanilang limang baboy matapos alisin ang kanilang atay at puso.
Hinala nilang aso, sigbin o balbal ang pumatay sa mga baboy batay sa maraming bakas ng paa na kanilang nakita sa labas ng kulongan na matatagpuan sa taniman ng saging.
Sa eksklusibong panayam nga Bombo Radyo Cebu kay Oscar Magno, may-ari ng baboy, sinabi nito na mahirap matanggap para sa kanila ang nadatnan ng alagang babaoy na pinaniwalaan nilang inatake umano ng isang malaking aso.
Bagamat may iba na nagsasabi na posibleng inatake ito ng aswang ngunit batid ni tatay Magno na isang malaking aso talaga ang pumatay sa mga alaga dahil sa mga bakas ng paa na makikita sa labas ng kulongan nito.
Matatagpuan ang kulongan ng baboy mga 100 metro mula sa kanilang bahay na kanilang ring pagmamay-ari.