Nakumpleto na ng Philippine Air Force at Philippine Army ang limang araw na joint military exercises – PAF-PA Interoperability Exercise (IOX) 03-24
Umabot sa isanlibong mga sundalo mula sa dalawang sangay ng Armed Forces of the Philippines(AFP) ang nakibahagi sa naturang training.
Kabilang sa pinagdaanan ng mga ito ay mga complex training scenario, Command Post Exercises (CPX), Subject Matter Expert Exchanges (SMEE), and Field Training Exercises (FTX), at iba pang military tarining na dinisenyo para mapagbuti pa ang joint combat and tactical operations sa pagitan ng dalawa.
Ang limang araw na pagsasanay ay isinagawa sa Camp Melchor F. Dela Cruz sa probinsya ng Isabela.
Ang naturang kampo ay ang headquarters ng 5th Infantry Division at isa sa mga bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site.