-- Advertisements --

JAKARTA – Anim ang patay matapos yanigin ng magnitude 5.9 na lindol ang isla ng Java, Indonesia nitong Sabado.

“The agency has recorded six dead and one person who sustained serious injuries,” ayon kay National Disaster Mitigation Agency spokesman Raditya Jati.

Batay sa report ng news website na Detik.com, isa sa mga nasawi matapos madaganan ng tipak ng bato sa bayan ng Lumajang.

Naramdaman din daw ang pagyanig sa ilang bayan at lungsod sa East Java, kabilang na ang isla ng Bali.

Bagamat may mga naitalang aftershocks, wala naman umanong banta ng tsunami ayon sa Indonesian geophysics agency na BMKG.

Ilang gusali tulad ng parliamentary buildings, eskwelahan, ospital, at mga bahay ang napaulat na nasira.

Batay sa monitoring ng European-Mediterranean Seismological Center, naitala ang pagyanig bahagi ng Indian Ocean, na 91-kilometers ng East Java.

Madalas kalampagin ng mga lindol ang Indonesia dahil pasok ito sa tinatawag na “Pacific Ring of Fire.” (reports from AFP and Reuters)