-- Advertisements --
image 255

Target ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na simulan ang pagbebenta ng 4,000 metric tons ng smuggled refined sugar sa Kadiwa stores.

Ito ang kinumpirma ni SRA board member Pablo Azcona.

Ang kadiwa na inilunsad ng gobyerno noong nakalipas na taon ay layuning matulungan ang mga magsasaka na maibenta ng direkta sa mga consumer ang kanilang mga produkto sa murang halaga sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin.

Matatandaan na una ng nanawagan ang grupo ng mga magsasaka na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na huwag bigyan ng pabuya ang mga smuggler sa pamamagitan ng pagbebenta ng smuggled na asukal sa kadiwa stores.

Samantala, pinaplano rin ng SRA na magtakda ng suggested retail price (SRP) para sa asukal sa P85 kada kilo.

Base sa latest monitoring ng Department of Agriculture (DA), ang presyo ng refined sugar ay naglalaro sa P86 kada kilo hanggang P110 kada kilo sa mga palengke sa Metro Manila.