Lalo pang pinaigting ng More Power and Electric Corp. (More Power) ang crackdown laban sa illegal connection o jumper sa Iloilo City.
Katunayan sa nagdaang 10 araw umabot sa 4,000 illegal connection ang nalansag ng apprehension team ng More Power sa 42 barangay ng siyudad.
Nagbabala maman si Atty Allana Babayen-on, Legal Officer ng More Power, sa mga residente na patuloy pa ring makikinabang sa illegal connection sa kuryente na tigilan na ito upang hindi sila magka problema o mas malala ay makulong pa.
May anim na katao na ring sinampahan ng kaso ang More dahil sa paglabag sa Anti-Pilferage Law, matapos mapatunayang sila ang nasa likod ng pagkakabit ng jumper.
Isinisi namam ng bagong utility firm More Power sa dating power distributor na Panay Electeic Company (PECO) ang paglaganap na illegal power connection sa kapabayaan nitong bantayan ang interes ng consumers.
Sa 2019 technical study ng MIESCOR Engineering Services Corp. nasa 30,000 ang illegal jumper sa Iloilo dahilan para umabot sa 9.3 percent ang system loss.
Bukod sa malaking system loss na ipinapataw ng PECO sa mga consumers, madalas ding masunog ang mga poste nito dahil sa overloading dahilan para mag-brownout.
Bilang aksyon nagsanib pwersa naman ang More at local goverment unit (LGU) para masawata ang illegal connections sa pamamagitan ng “iKONEK” program.
Pinaigsi ng bagong power firm ang proseso ng aplikasyon sa ilalim ng iKONEK at mas pinagaan ang mga requirements para sa pag-aaplay.










