-- Advertisements --

Posibleng pumalo sa 4,000 hanggang mahigit pa sa 8,000 ang covid-19 infections sa katapusan ng Oktubre kapag bumaba ang sumusunod sa public health standards ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Alethea De Guzman, base sa data sa kalagitnaan ng buwan ng Setyembre na ang mga kaso ng covid-19 ay inaasahang magpapatuloy na mabagal ang downward trend.

Subalit kapag nagpatuloy na bumaba ang pagsunod sa public health standards, ang covid-19 infections ay maaring pumalo sa 4,055 hanggang sa 8,670 sa katapusan ng Oktubre.

Iniulat din ng DOH na nakapagtala ng 16,017 kaso mula September 26 hanggang October 2. Ito ay 10% naman na mas mababa kumpara sa bilang ng mga kaso na naiulat noong nakalipas na linggo.

Nananatiling nasa low risk naman ang bansa para sa covid-19. Habang ang Metro Manial ay nanatili sa moderate risk classification para sa virus transmission.

Sinabi din ni De Guzman na base sa projections ng Australian Modeling Network (AuTuMN) , lumalabas na kahit pa tumaas ang mga kaso, ang severe at critical cases ay hindi nakikitang lalagpas sa naoberbahang noong kasagsagan ng Delta at Omicron surge.

Bagamat bunsod ng paglitaw ng bagong variant ng virus, maaaring magresuota ito sa sharp increase ng hospitalization sa simula ng 2023 sa NCR.

Binigyang diin naman ng opisyal ang epekto ng posibleng mas nakakahawang bagong variant na maaaring ma-minimize sa pamamagitan ng pagbabakuna kontra covid-19.