-- Advertisements --
Nasa 49 inmates ang nasawi at marami ang sugatan sa naganap na pagtakas sa southwestern Colombia.
Ayon sa tagapagsalita ng National Penitentiary and Prison Institute, na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa maraming mga sugatan ang itinakbo sa pagamutan.
Nagsimula ang insidente sa tangkang pagtakas na sinundan ng sunog.
Labis na nalungkot si President Ivan Duque sa pangyayari at tiniyak na kaniya itong ipapaimbestiga.