Nasa mahigit 400 officers ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang isinalang sa surprise drug testing ng pamunuan nito.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology chief, Jail Director Allan Iral, isinailalim sa drug test ang nasa 467 personnel ng nasabing bilangguan na pinangasiwaan naman ng Directorate for Health Service ng National Headquarters ng nasabing bureau.
Aniya, ito ay bahagi ng kanilang pagsuporta sa naging panawagan ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na linisin ang buong hanay ng Pambansang Pulisya mula sa anumang pagkakasangkot sa ilegal na droga, at upang maging halimbawa na rin aniya ng professionalism at disiplina sa iba.
“The surprise drug test is part of our support to the call of Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. to cleanse our rank from any involvement in illegal drugs, and to exemplify professionalism and discipline among our personnel,” ani Iral.
Kaugnay nito ay binigyang-diin naman ni Iral na hinding hindi sila mag aatubili na maghain ng criminal at administrative cases laban sa mga indibidwal na mapapatunayang dawit sa ilegal na droga.
“We will not tolerate any proven wrongdoing even if it means dismissing from service our own officers,” dagdag pa niya.