-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Maayos ang kalagayan ng 462 Overseas Filipino Workers (OFW) na galing sa mga ipinasarang shelter ng embahada ng Pilipinas at dinala sa shelter na pinangangasiwaan ng pamahalaang Kuwait.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Janice Cainoy na mas maganda ang kalagayan ngayon ng mga OFW sa shelter dahil maari silang magsagawa ng mga outdoor activities tulad ng paglalaro ng volleybal.

Naalis na ang tensiyon na nararamdaman ng mga OFW dahil kusa na silang tinutulungan ng pamahalaan ng Kuwait para maayos ang kanilang mga papeles at makauwi na ng bansa

Sa katunayan anya noong June 3, 2023 ay 40 OFW’s ang nakauwi na sa bansa, noong June 4, 2023 ay 53 OFW at noong June 5, 2023 ay 28 ang nakabalik na rin sa bansa.