-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Nadagdagan pa ang bilang ng biktima ng naitalang firecracker related injuries dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa tala ng Provincial Health Office (PHO), mula December 21 hanggang January 2 ay umaabot sa 46 ang naitalang firecracker related injuries bagamat mas mababa sa 76 na naitala sa kaparehong panahon sa nakalipas na taon.

Ang pinakabatang biktima ay edad anim na taong gulang habang pinakamatanda ay 45-anyos na karamihan ay mga lalaki.

Nasa 15 kaso naman ay dahil sa kwitis, walong kaso ng luces, five star na may walo ring kaso, apat sa fountain, isa dahil sa boga, isa sa watusi, isa sa goodbye Philippines, may tatlo naman dahil sa bawang, tatlo dahil sa whistle bomb at isa ang tinamaan ng mother rocket.

Ang mga naapektuhang parte ng katawan ay sa kamay na may 23 kaso, dalawa sa leeg at ulo, lima ang may tama sa tuhod at binti, isa sa dibdib, tatlo sa abdomen, apat ang tinamaan sa mata, dalawa sa may likod, at dalawa sa paa.

Dalawa sa mga biktima na kailangang putulin ang naapektuhang bahagi sa kamay ay 10-anyos na batang lalaki mula sa lungsod ng Dagupan na nasabugan ng mixed pulbura at 27-anyos na lalaki mula sa bayan ng Bolinao na nasabugan sa kamay ng Goodbye Philippines.