-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng kabuuang 453 katao na nasugatan sa kalagitnaan ng Traslacion procession nitong araw ng Martes.
Ayon kay DOH Emergency Management Bureau chief Dr. Bernadette Velasco, 9 sa mga nasugatang deboto ang isinugod sa ospital subalit karamihan aniya ay minor injuries lamang.
Ang pinakamalalang kondisyon naman aniya ay ang isang indibdiwal na nakaranas ng pananakit ng dibdib na posibleng nagkaroon ng heart attack.
Samantala, ayon naman kat Quiapo church spokesperson Fr. Hans Magdurulang, may mga deboto pa rin aniya na sinubukan pa ring sumampa sa andas kahit na ipinagbawal na subalit lahat naman aniya ng inilatag na plano para sa Traslacion 2024 ay natupad.