-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakakumpiska ng maraming taklobo ang mga kasapi ng Coast Guard Davao at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-11) mula sa Island Garden City of Samal.

Ang naturang mga taklobo o giant clams ay isinakay sa isang dump truck nang maharang ng mga otoridad partikular sa Barangay San Isidro.

Sa tantiya ng BFAR, may bigat na 45 tonelada ang mga nakumpiskang taklobo at napag-alaman sa imbestigasyon na itatawid sana ito sa lungsod ng Davao.

‘Di pa naman matiyak ng Coast Guard Davao kung sino ang buyer ng nasabing mga taklobo na binibili umano ng tig-P5,000 ang bawat kilo.

Batay sa amended Fisheries Code of the Philippines, mahigpit na ipinagbabawal ang pangunguha ng mga taklobo kaya ang lalabag dito ay posibleng makulong sa loob ng walong taon.