-- Advertisements --
Patuloy ang pupusang paghahanap sa dose-dosenang katao na nananatiling missing sa may KwaZulu-Natal province sa South Africa matapos ang matinding pag-ulan sa nakalipas na mga araw na nagbunga ng pagbaha at mudslide na kumitil na ng mahigit 440 katao.
Libu-libong katao din ang nawalan ng bahay dahil sa baha at nawalan ng suplay ng kuryente at tubig at nagresulta din ng pagtigil operasyon ng isa sa busiest port sa Africa, ang Durban.
Sa pagtaya ng isang provincial economic official, tinatayang nasa mahigit 10 billion rand o $684.6 million ang kabuuang pinsala sa imprastruktura.
Nakatakdang pulungin ni President Cyril Ramaphosa ang cabinet ministers para ma-assess ang pagtugon sa nararanasang krisis ng kanilang bansa.