-- Advertisements --

Nasa 44 katao ang nasawi matapos ang naganap na pagsabog sa isang political convention sa northwestern Pakistan.

Sa nasabing insidente ay mayroon ding mahigit 100 katao ang sugatan kung saan 17 ang nasabing kritikal.

Target ng nasabing atake ay ang mga miyembro ng Jamiat Ulema-e-Islam-Fazl (JUI-F) party na nagtipon sa bayan ng Khar ang lugar na malapit sa border nila ng Afghanistan.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na pinasabog ng mga suspek ang bomba malapit sa stage.

Walang grupo ang umako sa nasabing insidente.

Mariing kinondina ni Pakistani Prime Minister Shehbaz Sharif ang nasabing insidente.

Ang mga political parties ay nagsimula na ang kanilang kampanya bilang paghahanda sa nalalapit na halalan na magaganap ngayong taon.