-- Advertisements --
Deltacron COVID

Nakapag-detect ang bansa ng 44 na bagong mga kaso ng Omicron subvariants based sa resulta ng latest genome sequencing.

Natukoy ang 19 dito na kaso ng BA.2.3.20, 8 kaso ay XBB, 4 cases ng BA.5, at isang kaso ng BN.1 na na sublineage ng BA.2.75 at 12 kaso ng iba pang Omicron sublineages.

Kinumpirma ng Health department na lahat ng karagdagang kaso ng BA.2.3.20 ay local cases mula Regions 1, 3, at 4A.

Nadetect naman ang bagong kaso ng XBB mula sa Regions 1, 3, 9, at sa National Capital Region (NCR).

Ang naitala naman kamakailan lamang na dinapuan ng BN.1 ay isang Returning Overseas Filipino (ROF) habang sa apat na BA.5 cases na nadetect, tatlo dito ang local cases mula sa Region 3 at Cordillera Administrative Region (CAR) at ang natitira ay mga ROF.

Una ng sinabi ng DOH na patuloy ang kanilang monitoring sa local at global levels kaugnay sa mga laganap na Omicron subvariants na mas nakahahawa.