-- Advertisements --

Sugatan ang nasa 43 katao kabilang ang 12 bata matapos ang naganap na missile strike ng Russia sa residential building sa Kharkiv region ng Ukraine.

Hinala ng mga otoridad na isang uri ng Iskander missile ang ginamit ng Russia sa bayan ng Pervomaisky.

Dinala naman na sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

Una ng ibinunyag ng Russia na mayroong limang drones ng Ukraine ang kanilang pinabagsak.