Aabot na sa 425 pribadong paaralan mula sa elementarya at sekondarya ang nagsara na sa buong bansa mula noong taong 2020.
Ayon kay DepEd spokesman Michael Poa na sa pagsasara ng mga paaralan sa nakalipas na daalwang taon, nasa 20,838 estudyante ang apektado.
Aniya nasa 10,000 estudyante ang lumipat na rin sa mga pampublikong paaralan.
Sa tala ng DepEd, mayroong 800 private schools ang nagsuspendi na ng operasyon sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic bagamat karamihan na aniya sa mga ito ay nagbalik-operasyon na.
Ayon kay Poa, naghahanap na rin ng paraan ang ahensiya para matulungan ang mga private schools.
Magugunita na nito lamang linggo, nag-anunsiyo ang Collegio de San Lorenzo sa Quezon City ng kanilang permanenteng pagsasara ngayong school year dahil sa pagkalugi at mababang turnout ng enrollment.