Nakapagtala ang Department of Health ng 423 bagong kaso ng COVID-19 nitong nakalipas na araw ng linggo.
Ito ang pinakamataas na arawang tally sa nakalipas na tatlong araw dahilan para tumaas sa 4,165,499 ang kabuuang kaso ng covid-19 sa bansa.
Bagamat base sa covid-19 data tracker ng DOH, mas mababa ang aktibong kaso nitong linggo na nasa 6,925 mula sa naitala noong Sabado na 6.945.
Ito naman ang pinakamababang tally ng aktibong kaso sa loob ng 62 araw at ikatlong araw na mababa ang aktibong kaso.
Ang National Capital Region ang rehiyon na may pinakamaraming naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 14 araw na mayroong1,408 cases, sinundan ito ng Central Luzon na may 952; Calabarzon na may 818; Western Visayas na may 491; at Ilocos Region may 451 cases.
Samantala, tumaas naman ang bilang na mga gumaling sa sakit ng 443 cases habang nananatili naman sa 66,484 ang death toll sa ika-apat na sunod na araw.