-- Advertisements --
Pauwi na ng Pilipinas mula Cairo, Egypt ang 41 Pinoy na lumikas mula sa giyera sa pagitan ng Gaza at Israel.
Nagpaiwan naman muna ang isang Pinay dahil sa kondisyong medikal ng kaniyang asawa.
Nitong Sabado 14 na Pinoy at 9 na Palestinians ang nakatawid sa Rafah Border Crossing.
Pasado ala una ng madaling araw kanina oras sa Egypt lumipad na pauwing Pilipinas ang 41 pinoy.
Laking pasasalamat naman ng mga Pinoy sa walang sawa umanog pagtulong sa kanila ng gobyerno.