-- Advertisements --
Nasa 41 na mga persons deprived of liberty (PDL) ng Manila City Jail ang pinalaya para makasama ang kanilang pamilya ngayong kapaskuhan.
Ang nasabing mga PDL ay pinalaya bilang bahagi ng good conduct time allowance at mga isinagawang plea bargaining agreements.
Habang ang ibang nakalaya matapos na mabasura ang kanilang kaso o sila ay napayagang makapagpiyansa.
Sasailalim pa ang mga napalayang PDL sa drug depency examination at drug counseling sa ilalim ng treatment and rehabilitation center ng lungsod ng Maynila.
Ayon sa Manila City Jail na 95 percent sa mga napalaya ay nakulong dahil sa pagkakasangkot na may kinalaman sa iligal na droga.