-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Umaabot sa mahigit 400 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha sa Barangay Bulucaon, Pigcawayan, Cotabato.
Ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), personal na tinungo ni Pigcawayan Mayor Juanito “Totoy” Agustin ang Brgy Bulucaon kung saan halos lubog sa tubig ang halos lahat ng mga bahay.
Kaagad nagpaabot ng tulong ang LGU Pigkawayan sa mga nasalanta.
Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng lokal na pamahalaan ng Pigcawayan kung isasailalim na rin sa state of calamity ang naturang Barangay.
Nagsasagawa na rin ng damage assessment ang mga kawani ng MDRRMO upang alamin ang pinsala sa agrikultura at mga alagang hayop ng mga residente sa nangyaring pagbaha.