-- Advertisements --

Patuloy na hinahanap ngayon ng pulisya ang 40 bilanggo na tumakas sa kulungan sa Puerto Princesa, Palawan.

Ayon kay Iwahig Prison and Penal Farm spokesperson Levy Evangelista, ang mga bilanggo na ito ay nauna nang nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law pero nagbalik-kulungan.

Sinabi ni Evangelisa a sa magkakaibang exit points lumabas ang mga nakatakas na bilanggo at hindi sa main gait ng penal colony.

Ang mga indibidwal aniya na ito ay matagal nang gustong umuwi pero sinabihan na maghintay lang ng saglit dahil pinoproseso pa ng Department of Justice ang kanilang muling paglaya.

Naniniwala si Evangelista na ang mga dating inmates ay tuluyan nang nawalan ng pasensya dahil sa matagal na paghihintay kaya tumakas na lamang ang mga ito.

Gayunman, hinihimok aniya nila ang mga ito na sumuko na lamang muli upang sa gayon ay maging ligal ang kanilang release process.