-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nasa 40 katao ngayon sa Carmen, Cotabato ang naka-isolate na bunsod ng pagkakaroon nito ng exposure sa isang COVID-19 patient sa bayan.

Ayon kay Mayor Moises Arendain, mula sa naturang bilang, 33 rito ang naka-home quarantine habang ang 7 rito ay barkada ng mismong pasyente.

Ang mga barkada ng pasyente ay nakunan na ng swab test at inaantay na lamang ang resulta nito.

Sa ngayon, istriktong minomonitor ngayon ang mga nabanggit ng Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 upang tiyaking hindi ito makakalabas ng isolation facility habang nagpapatuloy ang kanilang quarantine.

Kung maaalala, una nang inilagay sa localized lockdown ang Purok 12 ng Brgy. Poblacion kung saan nakatira ang naturang pasyente habang nagpapatuloy ang isinasagawang contact tracing sa mga taong maaari pang nakasalamuha nito.