-- Advertisements --

Dumating na sa bansa ang 40 na mga distressed overseas Filipino workers mula sa Kuwait.

Sinamahan sila ng mga opisyal ng Oversease Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamamagitan ni Undersecretary Hans Cacdac at OWWA Administrator Arnell Ignacio.

Ang nasabing mga 40 OFW ay bahagi ng 421 distressed OFW na nakalagay na sa shelter.

May alok ang Department of Migrant Workers (DMW) na reintegration program sa mga umuwing OFW at bibigyan sila ng maliit na negosyo bilang panimula sa bansa.