Pormal nang ipinakilala sa publiko ang 40 official candidates ng 2019 Binibining Pilipinas.

Suot ang makukulay na swimsuit, inirampa ng mga kandidata ang kanilang summer-ready bodies sa harap ng Binibining Pilipinas panellists.

Gaganapin ang 2019 Binibining Pilipinas coronation sa darating na Hunyo kung saan kokoronahan ang mga magiging bagong kinatawan ng bansa kabilang ang Miss Universe.

Inaasahan na dadalo sa event ang kasalakuyang Pinay titleholder ng Miss Universe na si Catriona Magnayon Gray.