Umabot na sa 20 ang bilang ng warehouse na naipasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa hindi umano pagiging rehistrado ng mga ito bilang lehitimong storage facility.
Nitong araw nang isara ng BIR ang apat na malalaking warehouse sa Meycauayan, Bulacan, na ino—operate ng isang Edison Lee Marketing Inc.
Ang nabanggit na kompanya ay sakop daw ng hurisdiksyon na binabantayan ng BIR large taxpayers service na humahawak sa imbestigasyon ng malalaking negosyo sa bansa.
Mula Oktubre nitong taon ay umakyat na sa 20 ang bilang ng nasha-shutdown na warehouse ng tanggapan dahil sa naturang paglabag.
Sa ilalim ng Tax Code, mandato ng bawat negosyo na iparehistro ang kanilang mga pasilidad, kabilang na ang outlets at warehouses na nakatayo sa ibang lugar.