-- Advertisements --
Golden State Warriors v Phoenix Suns

Magsisilbing executive director ng National Basketball Players Association (NBPA) si 4-time NBA champion Andre Igoudala.

Nahirang si Igoudala sa naturang posisyon, matapos bumaba sa naturang pwesto si Tamika Tremaglio na nagsilbi rito simula noong Enero, 2021.

Sa pagsisilbi ni Tremaglio bilang executive director, nanguna ito sa mga dayalogo sa pagitan ng mga manlalaro ng NBA at ng NBA management kung saan pinakamalaki sa mga nagawa nito ay ang pagakapasa ng pitong taong collective bargaining agreement.

Sa pamamagitan ng CBA, natitiyak ang maayos na relasyon sa pagitan ng mga players at management hanggang 2029 – 2030 season.

Maalalang inanunsyo ni Igoudala ang pagreretiro mula sa paglalaro sa NBA nitong Oktobre 20 matapos ang 19 na season.

Siya ay nahirang bilang 2015 NBA Finals MVP noong nag-kampeon ang Golden State Warriors.

Sa championship run na ito ay nagawa ni Igoudala na gwardiyahan si Lebron James, habang nagko-contribute ng average na 16.3, 5.8, 4.0.