-- Advertisements --

Sugatan ang apat na katao matapos ang pagkasunog ng baterya ng sinakyan nilang United Arlines flight.

Dahil sa insidente ay napilitan ang piloto na bumalik sa San Diego na pabiyahe na sana ito sa Newark.

Agad namang naapula ng mga flight crew ang nasabing apoy at ito ay napigilang kumalat pa.

Dinala naman sa mga pagamutan ang mga sugatang biktima habang patuloy na iniimbestigahan ang pagkasunog ng eroplano na isang Boeing 737 MAX 8.

-- Advertisement --