CAUAYAN CITY – Apat na kasapi ng Sangguniang Bayan at SK Chairman ng Bayombong, Nueva Vizcaya ang inaresto dahil sa kasong perjury.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Ralph Lantion ng Bayombong, Nueva Vizcaya na sinampahan niya ng kaso ang 4 na SB member at isang SK Chairman makaraang paratangan siyang minura nito ang kanilang Vice Mayor na kanyang pinasinalungan.

Anya nagharap ng reklamo sa Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya ang 4 na SB member at SK Chairman makaraang paratangan siyang minura nito ang kanilang Vice Mayor na kanyang mariing pinasinungalingan.

Dahil dito ay nakahanda niyang ipakulong ang apat na SB member at SK official para madala sa umanoy kanilang pagsisinungaling.

Ang mga nasampahan ng kaso ay naghain ng piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.