-- Advertisements --

Nasa apat katao ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin sa Denver.

Nasawi rin ang suspek sa barilan na naganap sa metro area ng Denver.

Hindi naman malaman ng mga otoridad ang motibo ng nasabing insidente.

Sinabi ni Denver Police Chief Paul Pazen na naganap sa apat na lugar ang pamamaril.

Sa unang lugar ay dalawang babae ang nasawi at sugatan naman ang isang lalaki.

Sa ikalawang lugar ay isang lalaki naman ang nasawi at sa ikaapat ay sugatan ang isang lalaki.

Hinabol pa ng mga kapulisan ang suspek na lulan ng kotse at kanila ito nabaili sa Lakewood.