-- Advertisements --

Nasa apat katao ang nasawi habang 14 na iba pa ang nasugatan matapos ang naganap na dalawang magkasunod na lindol sa southwestern China.

Unang tumama ang 6.1 magnitude na lindol sa Chengdu province at matapos ang halos tatlong minuto ay naramdaman ang magnitude 4.5 nalindol.

Maraming mga mag-aaral ang lumabas sa kanilang paaralan.

Nagdulot din ng mga landslide at pagkasira ng ilang gusali ang nasabing pagyanig.

Nagpakalat na ang mga otoridad ng mga rescue groups para sa paglikas ng mga naapektuhang biktima.

Inaasahan din nila na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa dalawang magkasunod na lindol.