-- Advertisements --

Nagtala ng apat katao ang patay at 25 iba ang sugatan sa pagbagsak ng Su-34 fighter-bomber plane ng Russia.

Ayon sa defense ministry ng Russia na nilamon ng apoy ang isang aparment block sa lungsod ng Yeysk sa southern Russia.

Nasa training flight umano ang eroplano ng masira ang isa nitong makina.

Mabilis na nakapag-eject ang piloto ng eroplano bago ito bumagsak.

Mabilis naman na inilabas ng mga rescuers ang mga biktima na nasa gusali at dinala nila ang mga ito sa iba’t-ibang pagamutan.