-- Advertisements --

Patay ang apat na mag-aaral habang sugatan ang 70 iba pa sa nangyaring stampede sa isang unibersidad sa Bolivia.

Nagmula aniya ang stampede ng may nagtapon ng tear gas sa nagaganap na pagpupulong mga mag-aaral sa isang sports arena sa unibersidad sa Potosi.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na nagkaroon ng alitan ang dalawang grupo ng mga mag-aaral kung saan isa sa kanila ang nagtapon ng tear gas.

Dinala naman sa pagamutan ang mga sugatang mag-aaral.