-- Advertisements --

Patay ang apat na katao matapos ang naganap na mass shooting sa Alabama.

Naganap ang insidente sa isang 16th birthday party sa Mahogany Masterpiece Dance Studio na matatagpuan sa bayan ng Dadevill.

Itinakbo naman sa pagamutan ang ilang katao matapos na sila ay sugatan sa insidente.

Mabilis naman na nakatakas ang suspek matapos ang insidente.

Tiniyak naman ni state governor Kay Ivey na kaniyang ipapaimbestiga ang nasabing insidente.