Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang isa pang nawawalang indibidwal matapos ang banggaan ang dalawang bangka sa Rio Grande de Mindanao sa Barangay Bulibod, Sultan Kudarat.
Sa naturang aksidente apat ang naitalang namatay.
Ang katawan ng tatlong biktimang sina Ustadz Elmie Norodin, college students, Jomar Akir at Jowaina Saling ay natagpuan sa Lugay-lugay, Cotabato City.
Ang bangkay naman ng boat driver na si Pudi Giadel ay natagpuan sa Barangay Bucana sa Cotabato City.
Patuloy namang pinaghahanap ang biktimang si Sidik Esmael.
Lumalabas na 10 ang karga ng isang bangka na mga residente ng Barangay Katidtuan sa Sultan Kudarat na galing sa Cotabato City Port at patungo sa nasabing barangay.
Ang pangalawang bangka naman ay may lulang tatlong katao na mula Barangay Maydapa, Sultan Kudarat.