-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Apat ka mga pasyente na unang na-confine sa Northern Mindanao Medical Center (NMCC) ang pumanaw kung saan iilan sa kanila ang nagtaglay ng respiratory tract infection.

Ito ang kinumpirma ni NMMC media bureau representative Dr Bernard Rocha kung saan kabilang sa namatay ang 4 na buwang sanggol na na-expose sa Covid-19 patient.

Ayon kay Dr Rocha, pawang isinailalim na nila sa swab testing ang 31-anyos na babae na namatay dahil sa panganganak subalit may existing na congenital heart disease; ang 68 anyos na may acquired pneumonia at diabetes at ang 25 anyos na babae na sumailalim sa raspa procedure ngunit namatay.

Kinunan ng swab sample ng hospital ang mga pasyente matapos pawang sila may exposure sa isang Covid-19 patient.

Napag-alaman na na-expose sa Covid-19 patient ang sanggol matapos itong dinala sa surgical ICU kung saan inooperahan ang pasyente.