Inihayag ng Department of Health na nakapagtala ng dagdag na 8 bagong kaso ng fireworks-realted injuries kasabay ng isang 4 na taong gulang na batang lalake mula sa Central Luzon na naputolan ng limang daliri sa kanyang kanang kamay dahil sa illegal dart bomb na sinindihan niya sa kanilang bahay.
Ang bilang ng FWRI ngayon sa Pilipinas ay nasa 115 na, ilang oras bago ang bagong taon.
Sa 8 bagong kaso ng FWRI, lahat ito ay lalake. 6 sa mga ito ay nangyare sa kani-kanilang mga bahay at sa kalsada, habang ang 2 ay sa designated areas.
Ayon sa DOH, 38% ng lahat ng FWRIs ngayong taon ay naitala sa Metro Manila, sumunod naman sa Central Luzon na may 11%, Ilocos Region 11%, Soccsksargen 8%, Calabarzon 5%, Cagayan Valley 4%, Bicol Region 4%, at Western Visayas na nakapagtala rin ng 4%.
Ang Davao Region naman ang may pinaka maliit na kaso, na nasa isa lamang sa ngayon.
Nauna nang sinabi ni DOH Secretary Ted Herbosa na dapat agad na dalhin sa ospital ang mga biktima ng pagkalunok ng paputok at mga nasugatan kahit maliit lang ang sugat.