-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Apat ang patay sa pagpatupad sa Warrant of Arrest sa mga kasapi ng Dawlah Islamiyah Nilong Group na responsable sa mga nangyaring krimen sa Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay Police Capt. Rommel Hitalia, deputy chief ng Polomolok Municipal Police Station na sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ala sais ng umaga sa Purok Maguindanao, Barangay Lumakil sa nasabing bayan.

Dagdag pa ni Hitalia na kanial sanang hulihin si Sadan Macabangin na nahaharap sa kasong murder, attempted Murder, Robbery at marami pa subalit itoy nakatakas.

Habang nagkaruon ng habulan naka encounter naman ng Pulisya ang mga kasama ni Macabangin na nagresulta sa pagkapatay ng mga suspek na sina Muad Naji, Noel Castrana, Amir Paglangan at Otto Alangan pawang mga residente sa lugar.

Nasukol din ang isang Daryl Sumbreal na may hawak na shotgun na sinasabing EOD expert ng Dawlah Islamiyah.

Sugatan at nakatakas si Amir paglangan ksama si Ryan Bisaya habang narekober ang mga high powered firearms .

Ayon sa pulisya ang nasabing grupo ang responsable sa pag- ambush patay sa dalawang pulis ng Polomolok at pagasugat sa dalawa pang biktima.