-- Advertisements --
China WPS west ph sea reef

Kinundena ng apat na US lawmakers ang ginawa ng China Coast Guard at maritime militia na ‘intentional’ na pagbangga sa bangka ng Pilipinas na magdadala ng supplies samga sundalong nakabase sa BRP Sierra Madre.

Kinabibilangan ito nina US House of Representatives Foreign Affairs Committee Chairman Michael McCaul, New York Rep. Gregory Meeks, subcommittee on Indo-Pacific chair at California Rep. Young Kim at sub-committee member California Rep. Ami Bera.

Sa naging opisyal na pahayag ng apat na mambabatas ng US, nakasaad dito ang suporta nila sa Pilippinas, kasabay ng pagkondena sa ilegal na aksyon ng China.

Ayon sa mga mambabatas, ang naturnag insidente ay bahagi ng mas malaking pattern ng agresibong pag-uugali ng China sa West Phil Sea, habang sila namamasok sa EEZ ng ibang bansa.

Kasabay ng pagkondena, inihayag din ng mga mambabatas ang pagsuporta nila sa naunang desisyon ni US Pres Joe Biden na palawakin pa ang mga joint patrols sa WPS, kasama ang iba pang mga partner nito.

Sinusuportahan din aniya nila ang commitment ng US sa ilalim ng US-Philippine Mutual Defense Treaty (MDT).

UNa nang nagbigay ng suporta ang Estados Unidos sa Pilipinas, kasunod ng nangyaring insidente, kasabay ng pagtiyak ng suporta nito sa Pilipinas bilang isang kaalyado, sa sandaling magkaroon ng armadong pag-atake sa disputed waters.