Nakatakdang isubasta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang apat na mamahaling sasakyan na pag-aari ng mga Discaya.
Ayon sa BIR na gaganapin ang auction sa darating na Hunyo 29 sa kanilang National Office sa Quezon City.
Kinabibilangan ito ng Mercedez-Benz Sprinter 2017; Range Rover LWT 2019; Land Rover Defender 130S 2023 at Mercedez Benz GLS 350T AMG 2020.
Ang mga sasakyan ay binili mula sa St. Gerrard Construction General Contratctor and Development Corporation.
Nagkakahalaga ng kabuuang P26.14 milyon ang lahat ng mga sasakyan.
Paliwanag ni BIR Commissioner Charlito Martin-Mendoza na layon ng auction ay para mapabilis ang pagkulekta ng mga buwis at maiwasan ang patuloy na pagbawasng halaga ng mga sasakyan habang ito ay nasa kustodiya ng gobyerno.
Magugunitang noong Marso ay ipinasakamay na ng Bureau of Customs ang P102 milyon sa Bureau of Treasury.
Ang nasabing halaga ay mula sa auctions ng siyam sa 13 nakumpiskang sasakyan ng mga Discaya.
Maguguntang ang mag-asawang contractor sina Pacifico at Cezarah “Sarah” Discaya ay naaresto dahil sa pagkakasangkot sa anomalya ng mga flood control projects sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
















