Nag-abiso ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos mag-positibo sa paralytic poison o red tide ang mga shellfish na nakuha mula sa apat na lugar sa bansa.

Batay sa shellfish bulletin ng BFAR, delikadong makain ng tao ang mga naturang produkto, kasama na ang alamang, na galing sa mga baybayin ng:

-Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City, Palawan
-Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
-Irong-irong, San Pedro, at Silanga sa Western Samar
-Cancabato Bay sa Tacloban City, Leyte

Nilinaw ng BFAR na ligtas kainin ang mga lamang dagat gaya ng isda, pusit at hipon basta iluluto at lilinisan ng mabuti.