Kapwa pasok sa ginanap na official weigh-in kanina ang magkaribal na sina Vasiliy Lomachenko at Teofimo Lopez.
Ang dalawa ay nakatakdang magtuos bukas sa MGM Grand Conference Center.
Nakataya sa championship fight ang tatlong korona ni Lomachenko na kinabibilangan ng WBA, WBC at WBO habang si Lopez naman ay ipupusta ang IBF belt.
Parehong tumimbang ang dalawa sa 135 pounds na eksakto lamang sa lightweight limit para sa 12-round title unification fight.
Matapos ang pagtimbang agad na nag-face-to-face ng ilang segundo ang magkaribal hanggang sa paghiwalayin bago pa man magkapikunan.
Ang dalawa ay walang mga facemask at inaantay pa ang resulta ng COVID tests.
Si Lomachenko na dating gold medalist sa Olympics ay hawak ang record na 14-1 at 10 ang via KOs, samantalang si Lopez ay unbeaten sa 15 wins at 12 rito ay via KOs.
Sinasabing 4-1 favorite sa mga pustahan si Lomachenko lalo na at kinikilala ito sa pinakamagaling na boksingero sa mundo.