Sa kulungan ang bagsak ng isang 43 anyos na babae matapos nakumpiska ng mga sakop ng Drug Enforcement Unit at City Intelligence Unit ng Lapu-Lapu City Police ang apat na kilo ng hinihinalang shabu sa isinagawang buybust operation kagabi Hunyo 13 sa Brgy. Pajo lungsod ng Lapu-lapu.
Kinilala ang suspek na si Eleonor Pestadio, na tubong Surigao Del Sur.
Nakumpiska mula sa posisyon ni Pestadio ang hindi bababa sa 4 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P27 million pesos.
Inihayag ni PLT Col Jul Mohammad Jamiri, hepe ng City Intelligence Unit na isa pa umano itong malaking accomplishment para sa PNP matapos napigilan ang posibleng pagdistribute nito sa iba’t ibang lugar.
Sinabi pa ni Jamiri na magtungo lang umano ang suspek sa Cebu para magdeliver ng droga at hindi lang sa Visayas ang cover nito kundi maging sa Mindanao.
Umabot pa sa dalawang linggo ang kanilang isinagawang follow-up operation bago ang pag-aresto sa suspek.
Babiyahe pa umano ito sa pamamagitan ng barko para magdeliver ng droga.
Posible rin umanong miyembro ito ng drug syndicate ngunit aalamin pa nila ito.
Patuloy namang iimbestigahan ng mga otoridad at alamin kung ano ang background ng suspek.
Nahaharap ngayon ang naaresto na suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.