-- Advertisements --
Ipapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagsasara ng apat na kalsda para bigyang-daan ang paglalagay ng coping beams para sa Skyway Stage 3 Project.
Isasara ang mga sumusunod na kalsada simula alas-10:00 ng gabi sa Oktubre 21 hanggang alas-7:00 ng gabi ng Oktubre 22.
Valenzuela St. corner Tomas Claudio St.
Beata St. corner Tomas Claudio St.
Quirino Ave. corner Tomas Claudio St.
Quirino Ave. corner Jesus St.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang makaiwas sa bigat ng daloy ng trapiko.